Kabanata 19
Kabanata 19
Matapos ang ilang sandal, dumating na si Jeremy. Subalit, hindi upang makita si Maddie. Kundi, upang
parangalan siya nang matindi.
Madilim ang liwanag sa meeting room. Ganoon pa man, sapat na ito para makita ni Madeline ang
malisya at galit sa mukha ng lalaki.
Pirming sumagot si Madeline. “Hindi ko tinulak si Meredith. Nahulog lang siya sa sarili niya. Jeremy,
pakiusap maniwala ka naman!”
Nang marinig ang mga salita niya, inabot niya ang kanyang kamay kay Madeline. Sinunggaban niya ito
sa likod ng leeg saka hinila papunta sa kanya.
Para bang matatalas na kutsilyo ang tingin nito kay Madeline at saka sinabing, “Hindi lamang may
ebidensya, pero may mga nakakikita pa. Pero may apog ka pa ring sabihin na hindi mo iyon
kagagawan?”
“Hindi ko naman talaga ginawa! Finrame lang ako ni Meredith. Hindi ko siya tinulak! Hindi!” Nagiging
emosyal na si Madeline. Patuloy niyang sinasambit ang totoo sa pag-asang maniwala sa kanya ang
lalaki.
Subalit, lalo lamang naging nakakatakot ang mga mata nito. Humigpit ang hawak nito sa kanyang leeg.
“Sinasabi mo bang nilagay ni Mer ang kanyang buhay sa peligro pati na rin ang bata? Madeline,
sigurado ka bang tama ang teorya mo?”
Tiniis ni Madeline ang sakit sa kanyang tiyan at tumingin sa mga mata ni Jeremy. Tila ba nandidiri ito
sa kanya. “Ang batang nasa sinapupunan niya ay hindi…”
“Tumigil ka!”
Bago pa man matapos si Madeline, bastos siyang pinigila ni Jeremy.
Galit na galit ito at tinulak si Madeline.
Nakaposas si Madeline kaya hindi niya masuportahan ang kanyang sarili. Natumba siya sa sahig at
nakaramdam ng sakit sa kanyang tiyan. Maputla ang mukha niya, subalit nagngingitngit ang kanyang
ngipin at nahihirapan siyang i-angat ang kanyang ulo.
“Jeremy, hindi ko talaga ginawa! Hindi ko siya tinulak!”
Tinignan siya ng lalaki, malamig at madilim ang mga mata nito. “Ipaliwanag mo iyan sa kulungan.
Makinig ka sa akin Madeline. Kapag may nangyari kay Mer at sa anak niya, ililibing kita kasama sila!”
Tumama ang kanyang malalamig na salita kay Madeline bago ito umalis nang walang awa.
Malamig ang pawis sa ulo ni Madeline habang gumagapang siya sa direksyon ni Jeremy. Humingi siya
ng tulong.
“Jeremy, ang tiyan ko…”
Subalit, hindi tumigil ang lalaki. Lumakad lamang ito paalis.
Sinara ng officer ang rehas ng meeting room at dinala na si Madeline pabalik ng kulungan.
Sa gabing iyon, nagdusa si Madeline sa sakit ng kanyang tiyan. Sinabihan niya rin ang nagbabantay
tungkol sa kanyang pagbubuntis, pero wala siyang natanggap na tulong. Sa kabilang banda,
pinagsasaktan pa siya ng mga kasamahan niya sa preso. noveldrama
Pinrotektahan ni Madeline ang kanyang tiyan at hinayaang tumama sa katawan niya ang kanilang mga
suntok.
Sinabi ng lider ng kanilang gang habang hila-hila ang buhok ni Madeline sabay singhal at sampal sa
kanya. “Sinabihan kami ni Mr. Whitman na asikasuhin kang hayop ka. Sino naman ang nagsabing
pwede mong apihin ang mahal niya?”
Nanlamig ang lahat ng dugo sa katawan ni Madeline. Ito ang ‘asikaso’ na ibibigay sa kanya ni Jeremy.
Hindi niya na mawari pa ang kalupitan ng lalaki. Buntis siya, subalit patuloy siya nitong sinasaktan.
Bukod pa roon, sinabihan pa siya nitong ipalaglag ang bata. Paano naman siya magkakapaki?
Sa kanyang puso, mas mabuting mamatay na lang si Madeline.
Sumunod na araw, sinabi ni Madeline sa officer na nabugbog siya kagabi. Subalit, tinignan lamang siya
nito nang walang paki, “Ano bang sinasabi mo? Paano namang hindi namin malalaman ang mga
gano’ng bagay?”
Alam ni Madeline na walang kwenta ang magreklamo. Walang kahit sino ang kayang labanan si
Jeremy sa Glendale.
Malamig ang kanyang puso, at nawalan na siya ng pag-asa sa madilim na kulungang iyon. Kahit
Malabo na ang kanyang paningin, naalala niya ang mga eksena sa kanyang memorya.
Jeremy, sabi mo poprotektahan mo ako habambuhay.’
Inisip ni Madeline na hindi na siya makakalabas. Subalit, dalawang araw ang makalipas, sinabi ng mga
pulis na inalis ang kaso sa kanya, at pinapalaya na siya. Ganoon pa man, ang nagsasakdal ang siyang
bahala rito.
Matapos lumabas sa kulungan, nakita niyang kulay abo ang langit; umuulan pala.
Habang hila-hila ang pagod niyang katawan. Paalis na sana si Madeline nang makita niyang naroroon
si Daniel.
Nagtaka siya. “Dan, bakit andito ka?”
Ngumiti si Daniel nang banayad at saka siya pinagbuksan ng pinto. “Andito ako para sa iyo.”
Nag-aalangan si Madeline dahil hindi siya naligo sa loob ng dalawang araw. Madumi siya at mabaho;
ayaw niyang madumihan ang kotse ni Daniel.
“Pumasok ka na, Maddie. Ihahatid kita pauwi.” Nakikita ni Daniel ang pag-aalala ni Madeline, pero wala
siyang pakialam.
Nagsimula nang bumuhos ang ulan. Nang makarating sila sa villa, pinasalamatan siya ni Madeline.
Paglabas niya, narinig ni Madeline ang boses ni Daniel, “Hindi ba maganda ang trato sa iyo ni
Jeremy?”
Tumalikod si Madeline. “Hindi. Maayos naman siya sa akin. Salamat, Dan. Alis na ako.”
Tuluyan na siyang lumabas ng kotse sa pagmamadali at agad na dumiretso sa ulan.
Agad-agad, nabasa si Madeline. Nang papasok na siya sa bahay, nagbukas ang pinto. Sunod, nakita
niya ang elegante at tuwid na postura ni Jeremy sa harap niya.