Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman

Kabanata 46



Kabanata 46

Ang bawat salita na kanyang binanggit ay parang asin sa kanyang sariwa at madugong mga sugat.

Namanhid ang buo niyang katawan dahil sa tagos-butong sakit na kanyang naramdaman.

"Hehe…" Nakakaawang tumawa si Madeline.

Sa huli pala ay napakasama niya na nagawa niyang burahin ang presensya ng kanyang anak. Nôvel(D)rama.Org's content.

Kaya niya palang duruging pino ang buto ng kanyang anak para sa demonyong babaeng iyon!

Akala ni Madeline ay patay na ang kanyang puso. Akala niya ay hindi na siya makakaramdam ng kahit

na anong sakit.

Subalit, hindi niya inaasahan na hahapding muli ang mga sugat na iyon pagkatapos niyang makitang

muli ang lalaking iyon.

"Jeremy, I didn't expect na dadating si Madeline para gumawa ng gulo sa sandaling makalabas siya ng

kulungan. Natatakot ako. Natatakot ako na baka saktan niya ulit ang anak natin. Isang beses na niyang

pinatay ang anak natin. Ayoko nang mangyari pa 'yon ulit."

Sumandal si Meredith sa dibdib ni Jeremy habang umiiyak.

Napakainosente niyang nagsasalita, pero halata na sinasadya niyang pasilabing muli ang galit sa puso

ni Jeremy.

Kagaya ng inaasahan ng babae, kumunot ang noo ni Jeremy nang may masama at nakakapangilabot

na titig kay Madeline.

"Madeline, sa tingin mo ba ay masyado pang maikli ang tatlong taon mo sa kulungan? Kung gusto

mong bumalik ulit doon, pwede mong sabihin sakin. 'Wag mong hahayaang makita kong hinaharass

mo ulit si Mer!"

Malakas niyang tinulak si Madeline at binalaan siya nang may malamig na tono. Mas lumakas pa ang

kanyang proteksyon at pagtitimpi kay Meredith kumpara sa dati. Malinaw na malinaw ito sa kanyang

boses.

Nawindang si Madeline at bumagsak sa lapag. Nanginig siya sa sakit sa buo niyang katawan.

Nang maalala niya ang pambubugbog at pagpapahirap na kanyang naranasan sa loob ng isang libong

araw at gabi, nagsimulang tumibok ng mabilis ang kanyang puso.

Hindi niya gustong bumalik sa lugar na iyon nang walang hustisya.

Nagngitngit ang ngipin ni Madeline at hinigpitan ang kanyang kamao. Ang taos-puso niyang

pagmamahal para kay Jeremy ay biglang nagbago.

Kinasusuklaman niya ito!

Kinasusuklaman niya ang lahat ng ginawa ng masamang babae na si Meredith! Kinasusuklaman niya

ang kasamaan ng lalaking ito! Kinasusuklaman niya rin siya dahil pinabayaan niya si Meredith na

gawin ang mga imoral na bagay na iyon nang direkta o indirekta nang paulit-ulit.

Bakit kailangang magbayad ng kanyang pinakamamahal na anak nang dahil sa kasalanan ng

demonyong babae na si Meredith?

Si Meredith ang nararapat na mamatay!

"Jeremy, tara na. Ngayon ang second birthday ng anak natin. Wag na nating paghintayin sina Mom

and Dad," malambing na sabi ni Meredith. Pagkatapos niyang sabihin ito, hinawakan niya ang kamay

ni Jeremy para tumalikod.

Parang nahiwa ng kutsilyo ang puso ni Madeline.

Heh, nakakatawa nga naman.

Ngayon din ang kaarawan ng kanyang pinakamamahal na anak na walang awang pinatay.

Kung buhay siya ngayon, dapat ay dalawang taong gulang na siya.

Tumingala siya para tignan ang kanilang mga likod. Para itong mga karayom na tumusok sa kanyang

mga mata.

Anong klaseng lalaki ba ang kanyang kinahumalingan sa loob ng napakaraming taon?

Naging panaginip na lamang ang mga magagandang pangako nila noong sila ay bata pa. Ngayon,

oras na para magising siya mula sa panaginip na ito.

Nakahanap na si Madeline ng lugar para maging libingan ng kanyang namatay na anak. Katabi ito ng

kanyang lolo.

Nang malaman ni Ava ang nangyari ay galit na galit siya. Dumampot siya ng kutsilyo at pupunta sana

kina Jeremy at Meredith para manghingi ng eksplanasyon. Ngunit, pinigilan siya ni Madeline.

Sino ba si Jeremy? Sa kanyang pagkatao at pinagmulan, sino sa buong Glendale ang gustong

maghanap ng gulo sa kanya?


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.