Don't Let Me Go, Diana

Chapter 18



Chapter 18

"DIANA, kung ayaw mong makasama ako, aalis ako. Hindi mo na kailangang gawin pa ito." Tumaas-

baba ang dibdib ni Alexis na para bang nagpipigil ng emosyon. "Kung gusto mo, kahit ngayon, aalis

ako. Basta bumalik lang tayo sa bahay-"

"Sa bahay na kahit saan ako tumingin, ikaw ang nakikita ko." Hindi napigilang sinabi ni Diana. Halos

lahat ng kagamitan sa bahay na iyon ay regalo ni Alexis. Bukod doon, ang binata mismo ang nag-

design ng bahay. At araw-araw ay nakikita niya pa ito. "You are in every corner, in every space. Kahit

nasa kwarto ako, 'yong mga gamit doon, may alaala mo pa rin. You are everywhere, Alexis."

"And you hate that now." Hindi nagtatanong kundi nagkukumpirmang sagot ng binata. "Sinadya kong

punuin ang bahay mo ng mga regalo ko. You're always in this place. At hindi naman ako parating

nakakasama sa 'yo rito kaya gusto ko, kahit na nandito ka, maaalala mo pa rin ako. Na maisip mo na

kahit hindi tayo magkasama, hindi ka nag-iisa. I'm with you the same way that you are always with me,

Diana. Kahit nasa gitna ako ng meeting, ikaw ang naiisip ko. And then suddenly, everything will just be

about you. My head will be filled with thoughts of you." Ngumiti ito. "Senyales na siguro 'yon na noon

pa man, mahal na kita-"

"Tama na." Tinakpan ni Diana ang kanyang mga tainga kasabay ng pagtalikod kay Alexis. Napahawak

siya sa kanyang dibdib na kay bilis ng tibok nang mga sandaling iyon. Hindi niya alam na darating ang

panahong matatakot na siya sa sariling nararamdaman, sa sariling puso. Natatakot na siyang

pagbigyan iyon uli. Dahil natatakot siyang sumablay iyon uli. "Ayoko nang makinig."

"Pero kailangan, Diana."

Muling naramdaman ni Diana ang buhos ng ulan. Ang akala niya ay umalis na si Alexis. Pero

mayamaya lang ay naramdaman niya ang binata sa kanyang likod. Marahan nitong inalis ang mga

kamay niyang nakatakip sa kanyang mga tainga.

"We can do this forever, you know. I can talk to you forever and you can forever pretend that you're not

hearing me, kung tungkol lang din sa ating dalawa ang mga sasabihin ko. Pero hindi. This involves

Jake, too. Tumawag siya kanina. Gusto niyang makausap ka pero hindi daw siya makaalis ng ospital.

Nakiusap siya sa akin na ihatid kita pabalik sa Maynila... pabalik sa kanya." Bumakas ang insecurity sa

boses ni Alexis. "Magpapahatid ka ba?"

"Hindi ko alam." Bumitaw si Diana mula sa pagkakahawak ni Alexis. "Hindi ko na alam kung ano'ng

gagawin ko." Nagsimula na siyang humakbang palayo pero natigilan siya nang humabol ang binata.

Bigla na lang siya nitong niyakap mula sa kanyang likod. Namasa ang mga mata niya. "Axis..."

"I've missed hearing you call me that way." Bulong ng binata. Humigpit ang pagkakayakap nito sa

kanya. "Diana, I'm scared."

So am I, Axis. So am I.

Natatandaan niya na. Ganoong-ganoon ang binata nang magkita sila uli matapos ang ilang buwan na

bakasyon niya mula sa Italy. Sinalubong siya nito sa gate ng townhouse niya at niyakap nang ganoon

rin kahigpit. Iyon ang gabi na inihatid siya ni Jake matapos nilang mag-date. Ibig sabihin ba ay nakita

na iyon ni Alexis noon kaya ganoon na lang ang naging reaction nito?

"Nagsinungaling ako sa 'yo."

"What?"

"Nagsinungaling ako sa 'yo nang sabihin kong aalis ako kapag sinabi mo. All these stupid time, ang

akala ko ang pangarap ko ay ang matanggap at ma-acknowledge ng mga magulang ko. Nagkamali

ako. My dream was to be with you. I realized that now. Don't let me go, Diana. Please. I don't want to

go. I don't want to let my dream go."

"I'm selfish. I knew you were in love with me and yet I stayed by your side. Narinig kitang umamin

noong inihatid kita sa inyo noong maglasing ka kasama ni Laurice noon bago ang Valentine's party

natin sa Academy."

Sandaling hindi nakakilos si Diana sa narinig. Nang matauhan siya, kinalas niya ang mga braso ni

Alexis na nakayakap sa kanya kasabay ng pagharap niya rito. Higit na lumakas ang buhos ng ulan

kasabay ng pagbuhos rin ng mga damdamin nilang para bang ngayon lang nakalaya. Basang-basa na

ang binata tulad niya.

Pinakatitigan niya si Alexis kasabay ng pagguhit ng mapaklang ngiti sa mga labi niya. "Noon pa pala

ako nawalan ng pride sa harap mo-"

Napailing si Alexis. "No, Diana. That just goes to show na noon pa ako nagpapakagago. Kahit na alam

kong nasasaktan ka kapag nasa malapit ako, kahit na alam kong mahihirapan kang makalimutan ang

nararamdaman mo dahil sa presence ko, nanatili ako sa tabi mo. Siguro dahil deep inside, ayoko

talagang makalimutan mo ang nararamdaman mo para sa akin. Maybe because deep inside, I wanted

you to wait for me until I can finally manage to accept myself and to accept the fact that I can really NôvelD(ram)a.ôrg owns this content.

have you... that I can deserve you."

Inabot ng binata ang mga kamay niya. "Diana, sinubukan kong sumugal noon sa yate. Pero bago pa

man ako umamin, nalaman ko na ang tungkol sa inyo ni Jake. Kaya itinago ko na lang lahat. Dahil

ayoko namang manira ng relasyon. Ayokong magaya sa mama ko. You know how much I hated how

she lived her life. Pero sa huli, gumaya pa rin ako sa kanya... sa mismong araw ng kasal mo."

"Wala siya rito dahil hindi naman talaga siya 'yong hinihintay ko. Iba. Pero mukhang hindi na siya

darating. Mukhang sa pagpunta niya rito, may nakilala na siyang iba at na-realize niya na 'yon pala ang

mas nararapat para sa kanya kaysa sa 'kin. At hindi ko siya masisisi. Mukhang... nagising na siya."

Umawang ang bibig ni Diana sa pagkabigla nang maalala ang mga sinabing iyon ni Alexis noon sa

yate.

Napakalaki nilang tanga. Lalo na siya. Hindi na sana nangyari ang lahat ng iyon kung naghintay siya.

Nagawa niyang maghintay nang mahigit pitong taon. Pero sumablay siyang gawin iyon ng ilang araw

pa. Sana wala sila sa ganoong sitwasyon ngayon.

Sinalubong niya ang mga mata ni Alexis. Puno ng paghihirap ang luntiang mga mata nito. Naging

makasarili din siya. Dahil sa kagustuhan niyang matugunan din ang pagmamahal na kayang ibigay ng

puso niya, naghanap siya ng iba. Nalimutan niya ang totoong kwento kung paano nagsimula ni Alexis.

Nalimutan niya ang mga pinagdaanan nito, ang mga hinanakit nito.

"Diana, you and I both know that Alexis is a wonderful man regardless of his family background.

Nagtapat siya sa amin ng mama mo. Mahal ka daw niya. And honestly, mas gugustuhin ko pa ngayon

ang tulad niya kaysa kay Jake. At least, he had already informed us about his skeletons in the closet.

But that Jake guy, heck. Pina-imbestigahan ko ang buhay niya pero mahusay siyang magtago.

"Nakatakas sa imbestigador na inupahan ko ang katotohanang may anak pala siya. Kung hindi

nakialam si Alexis sa kasal mo kanina, you would have married Jake. You would have lived with him

the rest of your life. Think about that and ask yourself, is that what you really want? Ang tagal naming

hinintay ng mama mo na matauhan si Alexis. Hindi lang kami nakialam dahil mga buhay n'yo naman

iyan.

"Pero Diana, mas nauna pang nakita ng ibang tao-sa kaso namin-kami ng mama mo ang pagmamahal

niya sa 'yo kaysa sa 'yo mismo, kaysa sa kanya." Matiim siyang tinitigan ng ama. "Kahit minsan ba,

ipinaramdam ni Alexis sa 'yo na hanggang kaibigan lang ang turing niya sa 'yo? Lips can lie. But never

the actions, Diana. Nahuli man siya bago siya natauhan pero hindi ba't ang mahalaga... ay natauhan

pa rin?" Anang ama ni Diana bago ito umalis ng kanyang bahay kasama ang kanyang ina nang sundan

siya ng mga ito sa farm house.

Natigilan siya sa naisip. Hindi nagkaroon si Diana ng pagkakataon sa nakalipas na mga linggo na i-

analyze pa ang mga sinabi ng ama. Pero ngayon, lahat ay sabay-sabay na bumabalik sa kanya... mula

sa mga ginawa ni Alexis para sa kanya noong kolehiyo pa sila hanggang sa mga sandaling iyon. Hindi

sumagi sa isip niya na dahil sa pinagdaanan ng binata sa mga magulang nito ay posibleng

makaramdam ito ng takot na magmahal, na sumugal lalo na sa kanila. Siya itong nagkulang sa pang-

unawa.

Siguro kung hinintay niya si Alexis na umamin sa yate o kung sumubok siyang aminin ang

nararamdaman para rito, baka malaki ang nagbago. Napakaraming mga emotional baggages ni Alexis

habang siya ay ang sariling puso lang ang iniinda. Siya ang kung tutuusin ay mas malakas sa kanilang

dalawa. Pero naging mahina siya.

Ngayon ay alam niya na. Ang pag-ibig ay nakapagbibigay lakas sa mahihina. Pero nakapagpapahina

sa malalakas.

"Having you in my life taught me to face my own ghosts. I am who I am now because when everybody

walked away, you chose to stay. Sinukuan ako ng buong mundo. Pero nanindigan ka sa tabi ko at

binigyan ako ng pagkakataong magbago. I see a different me when I'm with you, Diana. Ito na ako."

Itinuro ni Alexis ang sarili nito. "Nagtrabaho ako araw-gabi sa nakalipas na mga taon para patunayan

sa sarili ko, sa 'yo, sa pamilya ko, sa buong mundo na kahit paano, kaya ko nang bumagay sa isang

tulad mo.

"Lahat pala ng mga pagbabagong iyon, hindi ko ginawa para sa mga magulang ko. I realized that on

your wedding day, when I was on the verge of losing you. Lahat pala ng ginawa ko ay para sa 'yo. Para

sa susunod, wala nang tulad ni Kurt na magkukuwestiyon sa 'yo na ang tarantadong gaya ko lang ang

pinili mo."

Diana gasped. "You still remember Kurt? You still remember all those things?"

Tumango si Alexis. "I remember everything... mula sa suot mo nang una kitang makita sa corridor ng

Saint Gabriel Academy hanggang sa-"

Pagkalipas ng dalawang linggo, sa kauna-unahang pagkakataon ay siya ang naunang lumapit sa

binata. Hinawakan niya ang mga pisngi nito at buong suyong siniil ng halik ang mga labi nito.

Naramdaman niya ang tensiyon na namuo sa katawan ni Alexis bago nito buong pusong tinugon ang

bawat halik niya. Sa isang iglap, hindi niya na naramdaman ang ulan. Hindi na rin siya nakadama ng

panlalamig. Dahil mula noon hanggang ngayon, tuwing nasa tabi niya ang binata, ito ang kanyang

pananggalang.

Ipinikit ni Diana ang mga mata. Humalo sa tubig ulan ang mga luha niya. God... ang manhid-manhid

ko. Sa puso niya ay wala na siyang makapang pagdududa na ang nasa harap niya ang tamang lalaki

para sa kanya.

Pero siya, hindi niya na masiguro kung siya pa rin ba ang tamang babae. Marami pa siyang kailangang

gawin... marami pa siyang kailangang harapin at kausapin. Marami pa siyang kailangang timbangin at

siguruhin.

Nang sa wakas ay maghiwalay ang kanilang mga labi, dumilat siya at niyakap ang binata nang buong

higpit. "Ihatid mo na ako sa Maynila bukas, Axis. Haharapin ko na si Jake."

Para sa 'yo.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.