Chapter 17: Kabanata 16
Chapter 17: Kabanata 16
Kabanata 16:
Sweetness
_______
Kley
" Hey dude! Enjoy this fucking moment! "
" Shut up, Hades! I have a big problem! "
" Stop it dude! Huwag mo munang isipin si Leewier. Remember, malakas pa yun sa malakas. Just
enjoy. Don't miss this moment! "
Hindi ko nalang pinansin ang sinabi ni Hades at ininom ko nalang ang vodka na nasa harapan ko.
Nandito kaming tatlo nila Crius sa Brikstry Bar. Hindi ko nga alam na may nag-eexist na ganto dito.
" Hey Kley, come on! Maraming girls na naka-abang! "
Tinanguan ko lang si Crius at pinatuloy ko nalang ang pag-iinom ko ng vodka. Maya-maya ay tumabi
sa akin si Hades na may kasamang babae.
" Kley, ipagpapatuloy pa ba nating tatlo ni Crius ang pagpapanggap na studyante para malaman kung
sino ang sumusunod kay Leewier araw-araw? Fuck! Nakakapagod kayang mag-aral and also,
nakakapagod magtago sa mga girls. "
Nilingon ko si Hades na kumindat lang sa akin. Tsk. Ang landi talaga nitong gagong 'to. Kaya naging
busy ako nitong mga araw dahil inaasikaso pa naming tatlo ang paghahanap sa lalaking sumusunod
lagi kay Leewier.
" Tingin mo, may gusto 'yon kay Leewier? "
Ngumiwi ako sa sinabi ni Hades. Nilibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng bar hanggang sa may
mahagilap ang mga mata ko. Isang babae.
" Kley, do you like her? Pwede kong itanong sa management ang pangalan niya. "
Nilingon ko si Crius at umiling nalang ako sa kanya, " No need. I'm not interested. "
Humigop nalang ulit ako nang vodka at umiwas ng tingin sa babaeng 'yon. Nakaka-agaw ng atensiyon
ang maskara niyang kulay pula. As far as I know, pwede kong gamitin ang kapangyarihan ko para
malaman kung sino ang babaeng 'yon pero gusto kong malaman ang pangalan niya dahil sa
paghihirap ko. Weird.
" Miss, come here! "
Nagulat ako nang tawagin ni Hades yung babae. Oh fuck! Naka-ngiting lumapit sa amin yung babae
habang may dala siyang papel at ballpen.
" Y-yes Kley--- sir? W-what's your order? "
Tumikhim yung babae pagkaraan ay ngumiti. Napangiti ako nang wala sa oras. Kilala niya ako. Hmm.
Kailangan kong malaman kung sino siya.
" Isa pang vodka para sa kaibigan naming mukhang tanga! And miss, pwede bang malaman ang
pangalan mo? "
Biglang humagikhik yung babae kaya kumunot ang noo ko. Anong nakakatawa? " A-ang bilis niyo sir.
Well, that's too ahm... confidential. "
Bigla akong napangisi dahil sa sinabi ng babaeng nasa harapan ko. Tsk. Kahit hindi niya sabihin ay
alam ko na ang pangalan niya. That's what we called, 'Kley Slay'.
Tumayo na ako sa pagkakaupo ko at nilingon ang babae, " Hmmm. Nice to meet you... "
Ngumiti sa akin yung babae kaya ngumiti rin ako sa kanya, " ... Samantha. "
Mistulang kwago ang mata niya ng banggitin ko ang pangalan niya. Tsk. Samantha?! Panget ng
pangalan niya. Hindi bagay sa katulad niyang mukhang paa.
_____
Clarity
Pinagmamasdan ko lang si Kier na naghahain nang pagkain sa harapan ko. Kanina pa talaga ako
naguguluhan sa mga inaakto niya. Hindi ko alam kung may nakain ba siyang kakaiba or what.
" Dumpy, kakain na. "
Isa pa 'to, hindi ko rin alam kung bakit siya nagtatagalog. Hindi naman kase siya sanay, diba? Sudden
change of mind? Why is that?
" Kier... ahm... napapansin ko lang na parang... ano... nagbabago ka na. Hehehe. Ano nakain mo? "
Imbis na samaan niya ako ng tingin ay nginitian niya lang ako kaya mas lalo pang kumunot ang noo ko.
Hindi ko maintindihan ang mga inaakto niya. Hindi ako sanay. Sana bumalik na lang siya sa pagiging
isnabero niya.
" Wala. Gusto ko lang kumilos ng ganito. Masama ba? "
Ngumiti na naman siya kaya hindi ko nakita ang mga mata niya. Napangiwi nalang ako. Hindi talaga
ako sanay sa mga kinikilos niya eh.
Tinignan ko ang mga nakahain na pagkain sa lamesa. Nandito ang paborito kong ulam na tapa kaya
mas lalo akong nasasabik. Pero, hindi ko alam kung paano niya nalaman na iyon ang paborito kong
ulam.
Naghain na ako para sa aming dalawa pero pinigilan niya ang kamay ko, " Bakit? " Nagkibit-balikat
lang siya at nginitian ulit ako, " Isang pinggan lang ang kailangan natin. "
Mas lalo akong nagtaka sa sinabi niya, " Huh? "
Hindi niya ako sinagot at siya na ang nagkusang naghain... ng isang plato?
" Sit. "
Ngumuso ako dahil sa sinabi niya. Mukhang aso lang ang turing sa akin, no? Walang galang 'tong
gwapong 'to! Kabanas siya ah!
Nagsandok siya ng kanin at ulam. Tinititigan ko lang siya habang ginagawa iyon. Lumingon naman
siya sa akin at ngumiti ulit.
" May nakain siguro talagang kakaiba 'tong lalaking 'to. " bulong ko.
" I can hear you. "
Nilingon ko si Kier at busy siya sa paghiwa ng tapa. Tinakpan ko nalang ang bibig ko at nag-iwas ng
tingin. Pasaway talaga 'tong bibig ko! Nagsasalita nalang bigla-bigla.
" Ahhhh... "
Ibinuka ko ang bibig ko at hinarap si Kier. Sinubo niya sa akin ang kanin na may tapa at agad ko
naman yong nginuya. Sumubo rin siya ng sa kanya kaya napangiwi ako. Eeewww na nakakakilig.
" Say ahhhh... "
" Ahhhhh... "
Ngumuso ako pagkatapos akong subuan ni Kier. Para akong isang baby kung ituring niya. Hindi
naman ako baldado! Pinabayaan ko nalang siya, ayokong bumasag ng trip.
" Drink. "
Kinuha ko ang basong puno ng tubig sa kamay niya. Ininom ko yon at napahawak ako sa bibig ko ng
bigla akong dumighay ng malakas. Lumingon sa akin si Kier at ngumisi, " That's normal, my baby. "
Nag-iwas ako ng tingin dahil sa sinabi niya. My baby?
" EK, ano bang magandang endearment? "
" Huh? What for? "
" Nothing. Naririnig ko kase sila ina at ama. At ang tawagan nila ay honey... "
" That's normal CL. They are lovers. "
Ngumuso ang batang babae sa tinuran ng batang lalaki. Hindi mawari ng batang babae kung bakit pa
kailangan ng endearment ng mga magkasintahan.
" Don't think too much, CL. Hindi yan makakabuti sa'yo. " Content bel0ngs to Nôvel(D)r/a/ma.Org.
" I know... "
" My baby... "
" Huh? My baby? "
" Yeah. I think it will fit for the both of us. "
" Both of us? Lyri? "
" Yes. You're only mine. Whatever it takes you're still mine. "
" Baby? "
Napakurap ako nang mata ng winagayway ni Kier ang kaniyang kamay sa aking harapan. Wait, ano ba
yung mga nakita ko? Sino yong batang babae at lalaki?
" Yes? "
CL and EK? What's that? Call sign? Anong meaning non? Hindi ko maintindihan. Napahawak ako sa
paa ko ng sumakit. Ngayon nalang ulit ito naulit. Oh fuck! Parang nilalagare!
" Baby, what happened? "
Nagsimula nang mag-panic si Kier at mas lalo pang tumindi ang pananakit ng mga paa ko. Doon
talaga siya naka-sentro sa suot kong anklet na ibinigay ni Tiya Miling!
Mabilis kong tinanggal ang anklet sa paa ko at hinagis na lang iyon sa kung saan. Bumagsak ako sa
sofa. Parang hinang-hina ako. Agad naman lumapit sa akin si Kier at niyakap ako, " Ano pang
masakit? Tell me. "
Hindi ko sinagot ang tanong ni Kier bagkus ay pinikit ko nalang ang mga mata ko. Tuluyan nang
nilamon ng kadiliman ang mga mata ko ng marinig kong magsalita si Kier, " I'm sorry my baby. I have
to do this. I love you. "