CHAPTER 15: Mysterious Girl
(Patty)
Nagkakagulo na ang lahat lalo na ang mga babae dahil ngayon ang simula ng auditon.
Hindi ko inakala na may mga talent ang Zairin boys. Nalaman ko na si Prince ang lead vocalist with guitar, si kuya Niko naman sa electric guitar while si kuya Vince naman ang drummer si kuya Renz sa keyboard at si kuya James ang bassist. "Sasali ka ba Patty?"
Nagulat ako sa pagsulpot ni Lina sa tabi ko habang naririto ako sa tapat ng auditorium at hawak-hawak ang poster ng singing contest. Hindi ko malaman kong sasali ba ako o hindi. "H-hindi ako sasali."
"Bakit naman? Gusto ko pa naman makita na magperform ka."
"A-ano kasi, nakakahiya! Hindi naman maganda ang b-boses ko at saka hindi ako sanay kumanta sa harap ng maraming tao." nahihiyang napakamot ako sa batok.
"May idea ako." aniya.
Napakunot ang noo ko. Nagulat ako ng bigla niya akong higitin sa kung saan. Hindi man lang niya ako hinayaan na makapag-isip.
"S-saan tayo pupunta Lina?"
"Malalaman mo din mamaya malapit na tayo."
Excited na sabi nito na higit higit pa rin ako. Halos madapa ako kasi sobrang bilis niya tumakbo. May balak ba siyang sumali sa olympic?
Dinala niya ako sa Materials room katabi ng music room. Nanlaki ang mga mata ko ng mapadaan kami kanina doon the memory of me and Prince ay bumalik. Letse! Yung puso ko kumakabog na naman dahil lang sa memory na iyon. "Isukat mo dali."
Bigla parang nagloading ang utak ko. Ano daw? Isukat? Nakita ko ang damit na hawak ni Lina na iniaabot sa'kin.
"Isusuot ko?"
"Oo, para makita natin kung tama lang ba yung sukat na ginawa ko."
Ngiting ngiti siya sa'kin. Kinuha ko naman ito at iniladlad. Hindi ito isang damit dahil isa pala itong dress. Ang ganda niya, namamangha na pinakatitigan ito.
"Ikaw ang gumawa nito?"
"Oo. Okay lang ba yung design?"
Hindi makapaniwala na pinaglipat lipat ko ang tingin sa kanya at sa dress. Ang galing niya, parang professional ang gumawa.
"Sobrang ganda nito Lina. Aakalain mo nga na isang sikat na designer ang gumawa."This content © 2024 NôvelDrama.Org.
"Grabe ka naman pumuri Patty, sobra sobra. Kinikilig tuloy ako."
Anito na niyakap ako at dali daling pinasuot sa'kin ang dress. And it fit me na para bang isinukat talaga sa akin ang dress na iyon. Kulay light blue siya na may mga burdang bulaklak sa mismong tela. Isang sleeveless dress at lampas tuhod ko siya with laces.
Pinarisan ko ito ng light blue sandals na dala-dala rin ni Lina. Mukhang pinaghandaan ng bruha. Sobrang ganda niya. Nagpaikot ikot ako sa harapan niya at nagpost na para akong model. Tawa naman siya ng tawa sa ginagawa ko. "Teka Lina, bakit pinasuot mo sa'kin ang dress na ginawa mo?"
"Iyan ang susuotin mo mamaya sa audition."
"Ah! Oo nga pala ngayon na 'yun." napapatangong sabi ko.
"P-pero teka! H-hindi naman ako sasali e, at saka bakit need pa nakadress? Hindi pa naman ito contest." napapangiwi ako na hinawakan ang laylayan ng dress, sobrang ganda nito.
"Ang ganda ganda mo Patty, at ang sexy mo. Hindi ako nagkamali na gawan ka ng dress. Ikaw ang pinaka maganda at agaw pansin sa auditon mamaya. Hindi na ako makapag hintay." Excited na sabi pa nito na parang nagde-day dream.
"Pero hindi naman na talaga ako sasali, ni hindi nga ako nakapag practise e, nakakahiya baka magkalat lang ako do'n."
"I thought it would be too much pero kakailanganin mo pala talaga ito. Buti na lang dinala ko pa rin. Oh! Isuot mo rin ito para magmukha kang misteryosa. At hindi ka mahiya sa harap ng maraming tao." Inabot niya sakin ang isang masquerade mask.
Tulad ng dress light blue din ito at may mga design na laces sa palibot, sa kanang bahagi naroroon ang mga feathers na light blue and green, sa pinaka gitna ng mga feathers may bulaklak na light blue din ang kulay. Sobrang ganda nito bagay na bagay sa dress ko ngayon. Isinuot ko naman ito kaagad para makita kung bagay.
"Tara na bilisan natin at baka sobrang haba na ng pila."
Nagulat na lang ako ng higitin na naman niya ako. Lumabas kami sa materials room na ilang na ilang ako sa suot ko ngayon.
Naghiwalay kami ni Lina malapit sa entrance ng auditorium at nauna siyang pumasok. Ang sabi niya para walang makakilala sa'kin kailangan walang makakita samin na magkasama. Doon naman niya ako pinadadaan sa gilid papunta sa back stage. Doon daw kasi dapat ang mga sasali sa audition.
Kinakabahan ako at nanlalamig ang aking mga kamay. Hindi na ako nakatanggi pa kay Lina ayokong makita na malungkot siya. Ang sabi niya siya na lang ang bahala na maglilista ng name ko sa para sa mga sasali.
Naalala ko ang sinabi niyang pangalan na ililista niya para daw walang makakilala sa'kin. 'Mysterious Girl' pwede kaya 'yun?
Naririto na ako sa back stage at pinagtitinginan ako ng mga kapwa ko estudyante na mga sasali. Sino ba namang hindi? Hello the outfit! Auditon pa lang para na akong nasa mismong contest. Naiilang ako sa paraan ng mga tingin nila. Para tuloy gusto kong mag back out pero tuwing naiisip ko ang mga effort ni Lina nagbabago ang isip ko. Naririto na ako kaya go na lang. Kaya ko 'to.
I can feel my knees are shaking. Nasa harapan ako ng maraming students at sobra sobrang kaba ang nararamdaman ko. Actually nasa gilid pa lang ako wala pa sa mismong gitna ng stage, O. A lang talaga ako kapag ganitong kinakabahan. I'm new to this at hindi ko alam kung ano ang kalalabasan.
Nakita ko si Lina na pasimpleng nag-thumbs up sa'kin mula sa gilid ng auditorium. Huminga ako ng malalim. Bahala na si Peter Pan. Sana sabuyan niya ako ng pixie dust mamaya kapag nagkalat ako dito.
Nakita ko rin sila Prince na nasa pinaka gitna ng auditorium dahil sila ang magiging judges sa audition na magaganap ngayon kasama niya ang iba pang member ng banda si kuya Vince, kuya Renz, kuya Niko at kuya James.
Sa totoo lang kaya ayokong sumali isa sa dahilan ay dahil kay Prince. Ayokong malaman niya na ako ang babaeng nakasama niya sa music room. Sigurado kasi na layuan ako ng binata kapag nalaman na ako yung babae na nakasama niya sa music room. Ayokong mangyare 'yun. Sigurado rin kasi na narinig ako nitong kumanta pero hindi ko naman matanggihan si Lina na sobrang nag-effort sa suot ko ngayon. Buti na lang talaga exaggerated mag-isip itong si Lina at ginawan ako ng pang masquerade na mask.
Tinitigan ko si Prince mula rito sa gilid ng stage. Kita ko kung paano magbago ang expressions niya ng malaman na ako na ang susunod. I mean si mysterious girl. Iyon kasi ang inilagay na name ko ni Lina sa form. From tulala to kunot ng noo ang peg ni Prince. Ang cute niya talaga kahit anong expression.
Kinabahan ako ng banggitin na ang pangalang mysterious girl. Naramdaman kong nanlalamig ang mga kamay ko. Patty relax! Isipin mo na lang nasa Cr ka lang, okay? Tumango ako na para bang may kausap ako. Bwesit! Nakakabaliw kabahan.