In A Town We Both Call Home

Chapter 23



Chapter 23

“KAILANGAN ko ng tulong mo.” Wala nang paligoy-ligoy pang bungad ni Jake kay Gypsy nang

puntahan niya ito sa café nito. Dalawang araw lang siya sa Manila kaya isiningit niya sa itinerary niya

ang pagsadya rito pagkatapos ng ilang sunod-sunod na meetings na pinuntahan niya. Mamayang gabi

ay bibiyahe na siya uli pabalik ng Auckland.

Hindi man tumalab ang pangontrang sinabi ni Gypsy kay Jake ay nakuha na nito kahit paano ang

tiwala niya. At siguradong pagtatawanan siya ng mga kaibigan sa oras na malaman iyon. Kabaliwan na

kung kabaliwan. Pero nakahanda siyang maniwala sa kahit na kanino o kahit na saan kapag may

kinalaman sa kanyang pamilya.

And right now, he will trust this Gypsy. Lalo pa at nagkatotoo ang naging hula nito noon sa kanya. At

desperado na siya.

“Kailangan ko ng pangontra. Pero hindi para sa akin. Kundi para sa mag-ina ko. Nakahanda akong

magbayad kahit na magkano. Basta tulungan mo lang akong matulungan sila para makapagsimula uli.

Para maka-move on. Lalo na si Lea. Kahit na hindi na ako ang magustuhan niya. I just want her to be

happy again.”

Ilang sandaling pinakatitigan si Jake ng Gypsy bago ito naglabas ng litrato at iniabot sa kanya. “Wala

nang bayad ‘yan. Libre ko na ‘yan sa ‘yo.”

Nang ipaharap niya iyon sa kanya ay nasorpresa pa siya nang makilala kung sino ang nasa litrato. Si

Taylor Swift iyon na nakilala niya dahil paboritong singer iyon ng anak.

“Ano’ng gagawin ko rito? Kakantahin ko rin ba ang mga kanta niya bilang pangontra?”

“Hindi.” Napailing pang sagot ng Gypsy. “Manalangin ka sa kanya. Siya ang Patron Saint of moving on.

Pasensya ka na, Jake, pero wala na akong magagawa para sa ‘yo. Manalangin na lang tayo kay Taylor

Swift. Sa bagay na ‘yon ay garantisadong matutulungan kita.”

“TIM… I miss you so much. And I love you so much.”

Natigil sa pagbabalik-tanaw si Jake sa narinig. Halos pabulong lang ang pagkakasabi niyon ni Lea pero

hindi pa rin nakaligtas sa kanya. Nahinto siya sa pag-aalis ng seatbelt niya. Sandaling nanginig ang

kanyang mga kamay.

Dahan-dahan niyang nilingon si Lea sa passenger seat. Tulog na tulog pa rin ito. Ilang gabi na itong

parang pagod na pagod mula sa trabaho kaya deretso sa bahay niya na inihahatid ang mag-ina at

doon na lang sila kumakain. Para siyang sinuntok nang makita ang pagpatak ng mga luha nito.

Minsan pa ay nalaman niya kung ano ang naramdaman ni Lea noon. Pero mas matindi ang balik sa

kanya ngayon.

“Daddy…”

Sa backseat sumunod na napalingon si Jake. Inabot ni Janna ang kamay niya. Walang dudang narinig

rin nito ang mga sinabi ni Lea. Pilit na ngumiti siya sa anak. Magaan na na tinapik niya ang kamay nito

pagkatapos ay hinagkan iyon.

“It’s all right.” Pinasigla niya ang boses. “Don’t worry.”

Hindi nagtagal ay bumitaw na rin si Jake sa anak. Tuluyan niya nang inalis ang kanyang seatbelt at

mabilis na lumabas ng kotse. Diniinan niya ang gilid ng mga mata para pigilan ang pagpatak ng mga

luha. Ilang mararahas na paghinga ang pinakawalan niya bago niya pinagbukas ng pinto ang anak.

Nang makalabas na ito ay ang pinto ng passenger seat ang sumunod na binuksan niya. Pero hindi

niya kaagad nagawang buhatin si Lea.

Pinagmasdan ni Jake ang mukha ng babaeng pinakamamahal. Marahang pinunasan niya ang mga

luha nito. Halos isang taon niya nang ginagawa iyon. Halos isang taon niya na ring naririnig ang mga

bulong na iyon ni Lea sa tuwing nakakatulog ito.

And each time, the pain in his chest was growing stronger.

Maingat na idinikit ni Jake ang noo sa noo ni Lea. His tears fell. Sa loob ng halos isang taon ay siya

itong pinaghuhugutan ng lakas ng mag-ina. Pero sa sandaling iyon, siya naman ang mang-aamot ng

lakas.

“Lea, I love you. Kung pwede ko nga lang ibigay ang buhay ko kay Timothy, ginawa ko na. Matagal na.

Because I would rather be the one to die than to see you like this. Pero pasensya ka na. Hindi ko ‘yon

kayang gawin.” Gumaralgal ang boses niya. “Pasensya ka na at siya ang namatay. Sana ako na lang.

God… sana ako na lang.”

“CAN’T SLEEP?”

Tumigil sa pag-sketch si Lea nang marinig ang boses na iyon ni Jake. Kung ganoong lumalapit na ito

sa kanya sa sala ay isa lang ang ibig sabihin niyon: nakatulog na ang kanilang anak. Tumabi sa kanya

ang binata at inabutan siya ng isang tasa ng umuusok pang kape. Nang matikman iyon ay gumuhit ang

matipid na ngiti sa mga labi niya. Kahit ang paraan ng pagtimpla ng kape niya ay kabisado na ngayon

ni Jake.

“Hinintay talaga kita.” Mayamaya ay mahinang sinabi ni Lea. Ibinaba niya ang tasa sa center table at

inabot ang mga kamay ng nagulat na binata. Muli ay gumuhit ang ngiti sa mga labi niya.

She was so proud of this wonderful man. Tahimik lang itong naglilingkod sa kanila ng anak. Simula

nang makarating sila sa Auckland ay isang beses pa lang itong umalis. At dalawang araw lang ang

itinagal niyon. She didn’t ask him to stay. Alam niyang kahit ang anak ay walang sinasabi. Yet, he

stayed.

Totoo ang mga isinulat noon ni Janna sa sketch pad nito. Jake was not perfect. He was far from that.

Nagkakamali ito. Pero bumabawi ito. At nakabawi na ito. Nang sobra-sobra. Sa susunod na araw ay

mag-iisang taon na simula nang pare-pareho silang pumunta ng Auckland. He gave up his beautiful life

in Manila just to be there for them. Sa kanila na ng anak umikot ang buong buhay nito. Wala na itong

nagagawa pa para sa sarili nito.

“Mommy, Daddy Jake and I heard you whisper in your sleep the other night.” Bigla ay naalala ni Lea na

umiiyak na sinabi sa kanya ni Janna kaninang umaga. “You whispered how much you missed and love

daddy Tim. I saw him crying. Mommy, can you please ask Daddy to just come back to the Philippines?

I don’t want to keep seeing his tears. It hurts me, too, Mommy. I know you’re hurt, too. Pakisabi na lang

po kay Daddy na hindi na po ako galit sa kanya. I’m super glad he’s my Daddy. Love na love ko po

kayo pareho, Mommy. Pero nalilito na po ako. I don’t know anymore who to comfort when you’re both

hurt.”

“I don’t know if you know this but you’re a good father, Jake. You’ve been doing a pretty good job for

almost a year now. Hindi ko alam na magagawa mo ang lahat ng mga nagawa mo sa nakaraang mga

buwan. You’re an amazing man. Mahirap ang hindi ka paniwalaan. Everyday, you keep proving

yourself to us. Everyday, you amazed us. Maraming-maraming salamat sa pagsama sa amin dito ni Copyright Nôv/el/Dra/ma.Org.

Janna. Iyong pagmamahal mo, ramdam na ramdam na namin ngayon. And I’m so glad that we felt that

love just when we needed that most.”

Kumunot ang noo ni Jake. “Lea, saan papunta ‘to?”

“Jake, I’m sorry. I just think you should let me go now. Let me and Janna go now.” Nag-init ang mga

mata ni Lea. “It was a good fight. Pero may mga laban ring sinusukuan na dapat, Jake. Nasasaktan ka

na rin nang husto. Tama na. Please.”


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.